Ang Galing Galing Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
Isang Kahanga-Hangang Bata Mississauga, Ontario Ninong lang ako ngunit isa rin ako sa maraming taong natutuwa at nagagalak sa inaanak sa pagtamo ng pinakamataas na karangalan sa mag-aaral sa elementarya - ang Valedictorian. Si Regine ay tunay na magandang halimbawa ng batang marunong magbalanse ng gimik at ng pag aaral. Ni minsan sa dami kong beses bumisita sa bahay nila na nakita ko itong nag-aaral. Kung magbasa man e ang hawak ay ang bigay ko na Stephenie Meyer na libro na halos apat na beses nang binalikan. Ngunit alam namin, ng kanyang mga magulang na matalino na bata, mabait at maganda pa. Pa-bonus na nga lang na may guwapo siyang Ninong sa kumpil. ehem ehem. Noong nakaraang linggo nakakuha kami ng liham na electonic (hahah, email) nag sasabi na siya ay tatanggap ng award sa Elementarya. Isang pinay, valedictorian sa Canada! Kung ako ay tuwang tuwa para sa kanya...paano pa kaya ang galak at tuwa ng kanyang ama't ina? Ang galing galing. ************* Lingid sa kaalaman ng iba, na hindi ako totoong dugong-berde. Kahit nagtapos ako ng elementarya, ng hayskul at kolehiyo sa iisang paaralan, hindi lang La Salle ang naging paaralan ko. Apat na taon ako sa San Beda sa Mendiola, mula Prep hanggang ikatlong baitang at ng ika-4 na baytang ay may paraan na makapag aral sa San Beda Alabang. Nang magbukas ang La Salle Zobel, na noon ay naging kilala sa iba't ibang ngalan, La Salle South (wala namang North), La Salle Alabang at ang mas naging akma na La Salle Zobel, hango sa batang Zobel na namatay ng maaga at ang pamilya ang maybigay ng lupa sa mga La Sallian brothers, duon na ako pumirme. Pagkatapos sa La Salle, nag aral ako sa Asian Institute of Management at noong isang taon ay nagaral naman sa UCLA para sa isang post Graduate studies. Masarap mag-aral. Kahit di ako naging Valedictorian, naging seryoso ako dito at sinigurado kong matupad ng mga magulang ko ang pagnanasa nilang maging matagumpay ang mga anak sa buhay. Yun lang naman ata ang inaasahan nila kapalit ng lahat ng pagod...di nga ba? ************* Nanonood ako ngayon ng Eurocup Football Semi-finals, Spain vs. Russia. Para akong nanood ng Football o Soccer game sa La Salle Zobel. May manlalaro na may ngalang Xavi Hernandez, Fabregas, Silva, Torres, at Alonso - mga apelyido ng mga kaeskwelang Kastilaloy....nakakatuwang pakinggan. Panalo nga pala ang mga Kastila sa iskor na 3-0. Wawa naman ang mga Ruso...magaling din sila, pero wala silang binatbat sa mga manlulupig natin ng tatlong daang taon... Woohoo... Spain vs. Germany - san ka kampi? ************* Kasali sa << |
|