Maligayang Araw ng Kasarinlan Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
Bintana ng Kasarinlan Ang Ating Unang Pangulo, Emilio Aguinaldo Mula sa Asotea Aguinaldo Shrine Kawit, Cavite Ano pang mas babagay na paraan upang ipagdiwang ang araw ng kasarinlan kundi magbigay pugay sa taong nagbigay halaga sa ating bandila at araw ng lehitimong di pagkakailalim sa isang bayang manlulupig. Ngunit ano ba talaga ang tunay na Independence Day? July 4, 1946, February 22, 1986 or June 12, 1898 - ano sa tingin ninyo ang tunay na araw ng pagiging malaya? Bayani ng Bayan???? - Teka teka teka - tignan ang 1897, siya ang naging dahilan sa pagkahuli kay Bonifacio at pagkamatay nito. Tignan ang 1901, nanumpa na naman sa mga Amerikano pagkatapos manumpa sa mga Kastila ng 1897. Ang makulay na buhay ni Heneral Emilio Aguinaldo: 1869 - Pinanganak ng 22 of Marso sa Kawit, Cavite, Philippines. 1880 - Pumasak sa mataas na antas sa Colegio de San Juan de Letran. 1886 - Nanalo sa pagka cabeza de barangay ng Binakayan hanggang 1894. 1895 - Nanalo bilang puno ng bayan ng 1 of Enero, kauna-unahang kapitan ng munisipyo ng Cavite. Sumali sa Katipunan na pinangungunahan ni Andres Bonifacio. 1896 - Kinasal kay Hilaria Del Rosario na nagbunga ng 5 anak, naging puno ng pag aaklas ng Pilipinas laban sa mga Kastila 1897 - Nanalo bilang Kalihim ng Panloob (Secretary of the Interior). Naparusahan ng bitay kasama ni Bonifacio na na dinala sa Maragondon, Cavite. Si Bonifacio ay pinatay ng Mayo 10, at si Aguinaldo ay pumirma ng Pact na Biak na Bato, na nagsasaad na hindi na magaaklas kapalit ng kapatawaran at salaping nagkakahalaga ng 800,000 pesos. 1899 - Nagaklas laban sa mga Amerikano, at nagtago sa Hilagang Luzon 1901 - Nahuli sa Palanan, Isabela ng Marso 23 sa pamumuno ni US General Frederick Funston. Nanumpa sa mga Amerikano na hindi na mag aaklas ng ika 1 of Abril. Malamang April Fool's Day joke niya. 1919 - Bahay sa Kawit naging dambana ng Kasarinlan at ng Bandilang Pilipino. 1921 - Kinasal sa kanyang ikalawang asawa, Maria Agoncillo. 1935 - Natalo sa eleksiyong pagkapangulo laban kay Manuel L. Quezon. 1946 - Buhay pa ng maibigay sa Pilipinas ang tunay na pagkakawala sa mga kamay ng Amerikano ng Hulyo 4 1950 - Nanungkulan bilang kasapi ng Council of State sa ilalim ni Presidente Elpidio Quirino 1962 - Mula sa kanyang kama, naging kasama sa celebrasyon ng ika 64 taon ng kasarinlan 1964 - Namatay ng coronary thrombosis ika 6 ng Pebrero sa Veterans Memorial Hospital sa Quezon City, Philippines. Siya ay 95 taon at ang kanyang labi ay nasa bakuran ng bahay sa Aguinaldo Shrine in Kawit, Cavite. ********* Iba pang larawan, nandidito. Kasali sa ********* See the rest of the slideshow of the trip to the Aguinaldo Shrine << |
|