Kinagisnan Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
Litratong Pinoy: Maging Mapayapa sa Pagiisa Skaneatales, New York At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin Di mo man silip ang langit Di mo man silip ito'y nandirito pa rin Kung ang lahat ay may katapusan Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan At sa `yong paglisan Ang tanging pabaon ko Ay pag-ibig "- "Paglisan" - Color It Red "Tara na...", sabay hawak sa balikat at tango ng ulo. Tila ba'y nagsasabi na tumuloy na at ang mga bisitang nakidasal at nagsaad ng kanila pamamaalam ay isa isa nang umalis. Muling pinunasan ang huling luha sa kaliwang pisngi, at tumango. Hinaplos ang lupa, at tumayo. "Dadalaw akong muli...", ang pangako na naging huling mga salita. Mabigat ang mga paa na tumungo sa kung saan ang sasakyan ang siya na lamang nagiisa. Muling tumingin at kinagat ang labi, bumuntong hininga, tumungo sa sasakyan at tila nawala ang sasakyang nilulon ng kadiliman. Isang araw sa huling hantungan ng katawan ng tao. Dapat katatandaan na ang lahat ay may katapusan, lahat din tayo patutungo rin dito. ******* Ang sa taas at isinulat sa linggo ng undas, para sa mga taong may mga mahal na sumakabilang buhay na. ******* Kahit di mo maintindihan ang salita sa video na ito ang pangkalahatang mensahe ay maramramdaman... o siya, sige panoorin mo. Eto pa ang iba pang litratista at ang kanilang mga kinagisnan. << |
|