Marumi Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
Litratong Pinoy : Autumn Leaves Lake Keuka, New York Madumi ba o marumi? - Kapag vowel, ang letrang R ang susunod, kapag consonant, dapat D. Totoo yan. ******* Hindi na dahon ng maple tree ang kailangang linisin sa bakuran, kahapon lamang naghulog ng sandamakmak na snow ang kalangitan...so ngayon parang carpet ng puti ang daan. Di pa naman winter, pero malamig na...bakit ba nagmamadali ang inang winter? Meron pa namang Disyembre hanggang Marso...wag muna pwede ba? ******* Sabi nila ang Twilight ay hindi magandang date movie. Bakit? Kasi raw sa paglabas ninyo, hindi sa lalaki ang atensyon kundi sa napanood na aktor si Rob Pattinson. Kawawa naman. Dati-rati ang guwapo ay yung naka-pomada (70s) o naka-gel (80s) ang buhok at ayos na ayus. Ngayon, ang guwapo ay yung parang marumi at di nagsusuklay. Tsk tsk tsk. :) ****** Ano ang pareho sa 3 ito: Si Robert Pattinson ng Twilight ay kamukha ni Robert Smith ng The Cure. Sa sine ang pangalan niya ay Edward - na pangalan din ni Edward Scissorhands. ********** Lahok ito sa Litratong Pinoy na ang tema ay "Madumi" o "Marumi", ah basta... << |
|