Eksayted Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
Litratong Pinoy: Eksayted Old Mill, Toronto, Ontario May mga taong eksayted makatanggap ng regalo. Merong nagbubukas sa harap mo, ang iba nagbubukas kung wala na'ng lahat. Merong maingat magbukas ng balot, tinitiklop pa at ang kahon tinatabi Meron namang parang galit sa Christmas wrapper at kung magpunit walang sabi sabi. Meron namang masayang magbigay at ok lang kung walang kapalit. Meron namang naniningil at ang sabi'y "asan ang akin?". bwiset. Meron nagaantay ng bisperas ng pasko, meron namang araw araw inaalog ang kahong pamasko. Ako masaya kung meron, ok rin kung wala. Kahon man o envelop - basta ang Pasko dapat ay masaya. Ikaw - ano ang ritual mo sa Pasko? << |
|