Hangin Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
Ang Te-Makats sa Himpapawid Salamat sa Pagdala sa Akin sa Pinas Hangin' Out Manila, Philippines Halos isang araw! Oo, labing-walong oras sa himpapawid. Akay ng hangin ang pakpak ng eroplanong lulan ang magkahalong emosyon ng mga pasahero. May eksayted, may nalulungkot dahil ang rason ng paguwi ay dalamhati. May tuwang tuwa sa paguwi, may di nasasayahang patid na ang bakasyon sa dayuhang bansa. Kahit ano pa man ang nasasaloobin, iisa lang ang patutunguhan, sa Pinas. ********* Andito na naman ako sa bayang laging binabalik-balikan. Pangatlong balik sa loob ng 10 buwan. Ika nga ng kasama sa Canada, ginawa ko lang daw na Quiapo ang pagbalik-balik ko sa Pinas. Ang sabi ko naman e, "mali! kasi ni hindi man ako nakatungtong ng Quiapo sa loob ng 10 taon." Tunay nga na minsan e mas banyaga pa ang ibang lugar sa Pinas kung ihahambing sa mga lugar na ating narating sa dayuhang bayan. Nakapag safari na ako sa Singapore (si Misis, sa South Africa pa kamo) - ni hindi man ito makukumpara sa Calauit, Palawan. Nakapag simba na ako sa 15 bansa - ni hindi man ako nakatungtong sa Quiapo church o di kaya'y sa bakal na simbahan ng San Sebastian. Naka-ski sa Alps, ni hindi man ako naka-surf sa Siargao. Naka-akyat sa tuktok sa Eiffel Tower sa Paris, ni hindi ko man lang malapit-lapitan ang rebulto ni Rizal sa Luneta. Ang sabi ng iba, "e nandiyan lang naman kasi yang mga yan, hindi naman mawawala." Tila tama nga sila. Yan din ang sabi ng kaibigan ko sa Manhattan. Sabi niya, aakyat din siya sa Twin Towers kung kailan niya gusto. Hindi naman daw mawawala ito. Siempre - alam na natin ang nangyari. Tila naglaho sa hangin. Hindi natin alam ang halaga ng mga bagay, hanggang wala na ito sa buhay natin. Masaya ako at nandito ako kasama ng pamilya at nasa bayang pinakamamahal. Tama nga ba? ******** Sabi ng kaputol ko, sali daw ako sa Litratong Pinoy. Sana payagan ako makasali... << |
|