Aliw. Liwaliw Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
Youth Build 2008 Version Marinduque, Philippines Kinailangan niya magpahinga. Malayo sa mga ipis at mga pesteng lamok. Tinungo namin ang karatig na resort at nagtanong kung paano mag pagabi at gumamit na rin ng languyan. Aba, mura. Suwerte ang bata, at bago nagsimula ang araw na pagtratrabaho...pinayagan ko munang magpahinga, magliwaliw at malayo ang sarili sa sakit na dalamhati. Sabagay, kaarawan din niya noon. Regalo ko na rin, ika nga. ******* Ngayong gabi, masdan ang mundo, pagmatyagan ang kinaroroonan, at baka magunaw at lumindol. Hindi totoong lindol, ngunit malamang magkabiyak biyak ang Toronto sa pagdalaw ng isang matalik na kaibigan...sa Internet. 6 na taon na ata at isa sa mga pinakamailap na mga taong nakilala....ngayong gabi, magkikita na rin kami, kasi may mag liliwaliw dito sa ibayo ko - si Batjay...handa na ba kayo sa halakhakang maririnig mula dito hanggang kung san man kayo...tatawa kami hanggang may mautot. Malamang ako yun. O siyanawa...magliliwaliw pa rin ako, at nang magising mula sa jet lag na ito....speaking of jetlag, sayang wala si Jet ang kanyang mabuting maybahay. Ako bahala dito Jet...ako....Zzzzzz << |
|