When The World Was Supposed to be Quiet from Midnight til Dawn Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
It wasn't. Wala akong kapatid na lalaki. Pero kung meron man, malamang kaliwete rin siya magsulat at mahilig rin sa Rock music. Malamang pareho kaming malakas ang boses at di ikinukubli ang pagbibigay halaga sa lahat ng maganda - kasama na ang magagandang babae - ang aming mga asawa. Noong nakaraang Huwebes at hanggang naghatinggabi at magmadaling araw ng Biyernes, nakadaupang palad ko si Batjay. Oo nga at may halong dugong paniki si Batjay at gising na gising pa ng alas onse kahit inabot na ng bagyo sa daan mula sa Niagara Falls. Sinundan sila ng ulan, na para na ring Niagara Falls sa lakas. Hindi lingid sa lahat ang gabi na ito na dapat ay tahimik ay aalingasaw sa tawanan at kuwentuhan. Masarap sanang uminom ng marami kasi nga kakatapos lang ng ulan, pero may iba pa namang panahon. Alas dose na ng gabi kami umabot sa CN Tower. Kahit na sinong tigasin ay magsasara rin kahit papano. So di na kami umakyat at pinagmasdan na lang namin ang naka-erect na CN Tower. Tinuro ko ang Rogers Stadium na kung saan naglaro ang NFL Buffalo Bills at Pittsburg Steelers...sa Toronto. Weird diba? Drive na lang kami ulit at napadpad sa Queen St., tumawid ng University Ave. hanggang maubos ang mga bar na siempre pa- sarado na rin. Tumuloy kami sa CBD na nakatayo sa pinakamahabang underground pathway system sa mundo. Dumito na kami sa dati naming tinirhan sa Downtown, sa likod ng St. Michael's Cathedral at naglakad lakad patungong Fran's - ang siguradong bukas na diner kahit anong oras pa man. Nang naituro ko ang Massey Hall kay Pareng Batjay, ngayon ko lang naalala na rockista nga pala ang pamilya nila. Di ko namang sinadyang mapadpad dito. Ang plano nga lang ay magkita lang. Kakatapos lang ng Pearl Jam frontman na si Eddie Vedder na magconcert dun nung isang gabi. Biglang tahimik si Batjay at tama nga siya na Mecca ng mga mahilig sa musika ang Hall na ito. Si Neil Young naglabas ng "Live at Massey Hall" mula sa concert niya nung 1971. Hindi pa nga sikat ang mga classic songs niya dito. Atsaka sabihin mo kung sinong rock idol ay nakatugtog na dito, mula kay U2 hanggang kay Police. Kami nga nakapanood nung 2005 ng Indigo Girls. Kahit nga jazz na sina Dizzy Gillespie ay dito nagsimula. Ang galing! Tumuloy kami sa Fran's. Nag steak at nag beer. Parehong 5-star sa restoran na ito. Di ko na lingid na tuyo na ang steak ko, at isang basong beer lang ang nainom, pero dahil sa kuwentuhan umabot kami ng alas 3 na ng umaga. Bitin nga. Nangakong magkikita sa susunod. Nagplano pa noon pa man kahit nung bago pa lang sila ni Jet sa California galing sa Singapore, pero di natuloy. Itong gabi na ito ang kakaiba. Nagkita rin. Nakamasid pa sa amin ang Massey Hall. Nung araw na yun papauwi si Jet sa Maynila. Hindi ako magaling sa dalamhati at gusto ko man kausapin si Jet baka di ko kayanin. - Ipinadala ko na lang kay Batjay ang taos pusong condolences. Mula sa biyahe, sa future ng blogging, sa paid bloggers at kung bakit di pa rin kami nagpapabayad, ang buhay buhay sa Amerika at kung ano ano pa - Alas kuwatro na kami nagpaalam sa isat isa. Marami pa akong gustong ikuwento, pero marami pa namang kasunod, At ang kung meron man akong kapatid na lalaki, gusto ko kaliwete rin at mahilig sa rock, mahilig sa biyahe at may puso sa mga kapamilya. Kuya Batjay - sa susunod ha? << |
|