Itim at Puti Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
Flying Fingernail Enchanted Kingdom, Laguna, Philippines Kung saka sakaling naging Tagalog ang pag twi-twitter, ang pag pu plurk o ang paglalagay ng status sa Facebook, ganito ang aking naging nakaraang Sabado: Alas Dose Kinse : Si Junnie ay panis ang laway at kakatapos lang ng 2 oras na miting sa telepono. Huli akong nagsalita ng alas 10 y medya. Hayyy. Alas Dose Y Medya: Si Junnie ay di nagulat at di nakaantay si Misis at nakatulog na Ala Una : Si Junnie ay gising pa. Nagbabasa ng sulat na electonic sa Ipod Touch niya. Alas Sais: Si Junnie ay nagising sa tilaok ng alarm clock. Hawak pa rin ang Ipod. Alas Sais: Si Junnie ay naihi. Pinatay ang relong pampagising at naglakad ng nakapikit. Alas Otso Y Medya: Si Junnie ay nainitan at tinanggal ang kumot. Alas Nuwebe: Si Junnie ay nagising muli sa ikalawang alarm clock. Meron pang isa. Alas Diyes : Si Junnie ay ganap na gising na. Alas Onse : Si Junnie at ang asawa ay nagplano ng araw. Nalaman namin na blanko ang buong araw at pwede kaming magtagal sa pagluto ng tanghalian. Ala Una : Si Junnie ay nakakain na ng tanghalian. Alas Dos : Si Junnie ay naisipang pumunta ng bangko dahil may problema sila sa Tarheta Pang utang o Credit Card ko. Hindi naman nakipag away pero nagtaray ng kaunti. Alas Tres: Si Junnie ay naghihintay kay misis na naisipang mag titingin ng bilihin. Alas kuwatro: Si Junnie ay nagbalak pumunta ng Downtown Toronto. Walang plano. Alas Singko : Si Junnie at Michele nasa loob ng St. Michael's Cathedral at nagsimba. Ika 160-taon na ng simbahan. Alas Singko Y Medya: Si Junnie namangha sa boses ng St. Michael's boys choir. Alas Sais: Si Junnie ay handa ng lumakad sa Downtown. Ang plano ay sumakay ng streetcar at bumaba sa Queen St. Alas Siete: Si Junnie ay nakapila na sa Korean resto nagaantay ng upuan para sa 2.Uyyyy Deyt kami. Alas Otso: Si Junnie ay ngumunguya. Alas Nuwebe: Si Junnie ay umiinom ng serbesa. Alas Nuwebe Y Medya: Si Junnie ay busog na. Nagyayang maglakad pabalik sa kotse. Alas Diyes: Si Junnie at misis naghahanap ng Starbucks. Alas Diyes Y Medya: Si Junnie nakakita ng Starbucks. Umorder ng kape at tumambay hanggang mag aalas onse y medya. Alas Onse Y Medya: Si Junnie nasa loob na ng kotse at lumilipad na sa Gardiner. Alas Dose ng Hatinggabi: Si Junnie ay nagsisipilyo na at ready nang matulog. ****** Masarap tumira sa Downtown, pero maingay. Maganda lang bumisita na para kang turista. :) Iba pa rin sa Mississauga.... << |
|