Wagi! Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
Jump for Joy Lake Keuka, New York Halata bang parehong araw kinunan ang lahok ko nung nakaraang linggo? Tagumpay! Isang masigabong palakpakan. Talong tayong lahat at isang pagdiriwang na naman ang makakamtan....sa darating na "Thanksgiving Day" sa US - sa huling Huwebes ng Nobyembre marami tayong dapat pasalamatan: si Ziggy - ipinanganak ng 8:55 PM noong Nob 2 - at bunso ng bunsong kapatid na si May! May timbang na 7.11 libras. Ambigat! gwapo raw si Ziggy, kamukha ko. Hahaha. Si Zia - nakakamit din ng First Honor. Parati talagang First honor sa klase kaso ang grado sa behaviour ang nagiging rason para hindi makamit ang First Honor. Ngayon, ganap ng First Honor at tunay Model Student....Model na, student pa! Si Jake - nagwagi ng Medalyang Pilak sa Elocution contest. Noong isang taon, si Jake ay nanalo rin. Tunay na magaling manula ang pamangkin ko na ito. Talagang dapat maging malaking regalo sa pasko ang nagiintay sa mga ito sa pag uwi namin. Maganda para sa mga bata na dapat ang kanilang mga pagwawagi ay nabibigyan ng papuri - at siempre ng sorpresang gantimpala! << |
|