Simple Click left side of photo to go to previous entry/ Click the right half of photo to go to the next
Litratong Pinoy : Payak (Live Blogging ng American Idol Season 8 Finale) Isa na namang taon ang nagtatapos. Mula noong isang linggo sa Lost, sa Grey's Anatomy, ngayong gabi naman ang American Idol. Sino ang hula ninyo - si Adam Lambert o si Kris Allen? 8:15 - Nagsimula na ang AI Season 8 Finale at kumanta na si David Cook. Isang magandang awit para sa kanyang kapatid. Lahat ng benta sa Itunes ng kanta na ito ay para sa ABC2, isang cancer research organization kung saan makakatulong ito sa mga milyong may kanser sa utak. Tandaan, $0.99 ninyo sa pagbili ng "Permanent" makakatulong sa marami. 8:25 - hindi na ako nanood ng patawa na mga awards. Kasi minsan nakakainsulto na eh. 8:30 - si Queen Latifah at Lil Rounds. Tama lang pala na matanggal si Lil Rounds sa earlier rounds...kasi, natatabunan ang boses niya kapag kasama na ng isang belter tulad ni Queen Latifah. Mamaya na ulit...hanggang 10:05 pa naman ito...puro fillers lang malamang... 8:35 - si Slumdog lumabas, pero hindi kayang mag Jason Mraz....ayayay ang tunay na Jason Mraz lumabas, woohoo!!! Ang galing. Idol. "I'm Yours" - bollywood version. 8:38 - Tribute to Kris Allen. Para naman siyang namatay. Wow, nakipagsabayan siya kay Keith Urban...pwede na. Parang kinakabahan yung bata ko. Bakit hindi sila ni Jason MRaz ang duet? Masyado bang stereotyped? 8:44 - G.L.A.M.O.R.O.U.S - ang galing nilang mag ispelling. Pero dapat B.A.D.U.Y. ang inispell nila. para silang Bratz na iba iba ang porma at sayaw...naku e lumabas pa si Fergie...taob na lahat...yan ang glamorous. Teka teka, bakit parang retokado, hindi lip synch, galing nga e, ang retokado - ang mukha niya...hmmmm 8:45 - woohoo yan na ang 3 niyang kasama... ang Black Eyed Peas....Boom boom pow na! ang galing ng grupo na ito. galing din ng back up dancers nila...parang human zebras. APL D AP - woohoo! ang galing. talagang No. 1 sila ngayon sa Itunes. Hulaan ninyo sino number 3? si Charice. 8:50 - standing O lahat. Galing. Naku eto na naman ang mga patawang Idol awards. Hindi talaga nakakatawa...pero gusto kong makita yung si "Bikini Girl", Katrina Dorrell. Si Ryan gustong tanungin sa kanya kung anong bago...pero nakatingin na sa dibdib niya...so alam na niya ang sagot. Patawa....pero dapat siguro hindi ganyan kaiksi ang suot niya... 8:55 - ay ang galing ng duet na ito...panoorin ninyo....ang galing ni Kara Dioguardi. Ooops...merong surprise sa dulo...panglalaki lang po lamang...para raw sa favorite charity niya...parang taliwas ata...pero, ok na rin. Sa kaliwa yung litrato. 9:00 - duet ni Cyndi Lauper at si Allison Iraheta....medyo weird...sabagay pareho naman sila...para silang sinapian...hahaha. Hindi nagbago mukha ni Cyndi... 9:03 - interview ng mga magulang ni Kris Allen, tapos magulang ni Adam Lambert. Pareho palang bueno familia. 9:05 - uy si Danny Gokey, "Hello" - may mas gaganda pa ba sa version ni David Cook last year? - ilipat ko muna sa NBA. Cleveland 21 - Orlando 14. Oy, si Lionel Richie, di naman nagbago ang mukha at boses. Galing. Para akong naibalik sa High School. Si Cyndi kanina, ngayon naman si Lionel. Si Michael Jackson kaya? 9:18 - para akong binabangungot. Totoo ba ito si Adam Lambert at ang.....K.I.S.S. Parang si Lionel Richie, hindi rin nagbabago ang mga mukha nila...hehehehe, siempre hindi kita sa kapal ng Sayang yung gitara! Sabi ni Linnor, "woohoo Adam". Adam pala siya. Adami dami niyang work, nakakapanood pa :) 9:27 - Santana and the Top 13. wow, akala niyo ok na kayo? meron pang pabaon ang AI. Iba talaga ang Finale. Talo pa ang Grammy's 9:30 - Si Janet Dickinson ba yun? :P Wow New Hybrid cars para sa dalawa....ayus! 9:32 - dapat si Steve Martin na lang ang American Idol - 1969 :) 9:40 - Do Ya Think I'm Sexy - pareho kaming sumayaw ni Scott! hahahah...sabi ko na nga ba si Rod Stewart andito e...sana si Elton John na rin...hahahah, teka, mga British ito a. Parang party of the year, "Maggie May" - ibang version, hanep. (Wow so 80s, hanep, dapat pala FTW!) 9:45 - ano yun? totoo ba yung si Tatiana... 9:50 - Eto na. duet ni Adam at Kris..."We Are the Champions". Ang galing, pwede silang mag banda talaga...uy...Queen? Queen!!!! Queen nga!!!! Kumpleto na ang back to the 80s. Ang galing, everytime they sing "friends" - they acknowledge each other. 9:56 - countdown to the decision.... 10:00 - eto na - nambobola na si Simon Cowell. "The Future is Yours".... 100 million votes cast....what a number talaga. Dim the lights...here we go... The winner of American Idol is..... KRIS ALLEN!!!! nautal tuloy...si Kris....Adam Lambert deserves to win, pero America has voted.... hindi masaya si Simon Cowell. sya lang ang hindi tumayo para pumalakpak for Kris. Malamang gagawing acoustic version ni Kris ang "No Boundaries". Hindi bagay for his voice kung kailangang maging belter siya dito...mas bagay kay Adam... << |
|